Friday, April 13, 2007
Warning: Mahaba ang post na ito pero makukuhanan ng leksyon sa buhay. :)
I can never deny the fact that I made so many wrong decisions in my life. I became weak and lost my path. But through all the wrong choices and through all the fears that conquered me, God showed me what's waiting for me at the end of the path I chose.
Aminado ako, naging pasaway akong estudyante at anak sa mga magulang ko. Arki student ako dati. Matataas grades, at kinukuhang pambato ng department sa mga pageants. Pero nang maintroduce ako sa online games, tangina dun nagsimula gulo ng buhay ko. (kasalanan ni Gelo :P)
Natuto akong mag skip classes, mag absent ng sunod sunod at magdahilang ng kung ano anong project para lang makakuha ng pera sa mama ko. Minsan pag gusto kong pumasok pero bigla kong maisip na tinatamad ako, di na ko papasok. Naging madali sa kin ang umabsent at mag quit sa mga bagay bagay except sa paglalaro.
Dumating sa point na nagkandaloko loko na grades ko kaya nag-decide akong magshift sa mas madaling course, ang Advertising. Yup, mas madali siya kesa sa Arki. Sabi ko sa sarili ko noon, magtitino na ako. Babawasan ko na ang paglalaro at nagawa ko naman yun. Di na rin ako sasali sa mga pageants para maka-concentrate sa pag-aaral, pero nasabak pa rin. Naging Miss Advertising pa ako. Masaya nung mga time na yun, pero sa totoo lang, wala akong naka-close sa Department na yun. Nagsosolo ako palagi. Ayoko kasi umasa sa iba. Pero di pala ok yun para sa akin. Kasi, pag nalelate ako at nagkataong may practice ng rampa, pag manghihiram ako sa mga classmates ko, tangina ang dadamot. Thank you na lang sa kanila. Sana guminhawa buhay nila.
Ayun, hanggang sa nainis na lang ako at nawalan ng gana pumasok. Naglaro ulit at nakilala ang lalakeng nanloko sa akin ng dalawang beses sa online game. Dun ko naramdaman yung pinakamasakit ng heartache sa buong buhay ko. Dun din ako nakakita ng babaeng ubod ng kapal ng muka para makipagflirt para makuha ang boyfriend ng may boyfriend. Haha. Anyway, sana masaya sila sa isa't isa dahil bagay silang dalawa.
Di na ko pumasok simula noon. Naging tambay sa bahay. Pero, gusto kong kumita ng pera dahil syempre di ako bibigyan ng parents ko dahil pasaway ako. Kaya pumasok ako sa internet cafe na tinatambayan ko dati. Yung dating binabayaran mong icafe, yun ngayon ang magbabayad sayo para sa serbisyo mo. Honestly, bumababa tingin ko sa sarili ko nung time na pag nalelate ako, pinagsasabihan ako nung may ari. Sa mababang halaga ng sweldo, lilimitahan pa yung benefit mo na makapaglaro. Salamat na lang, pero di ako nababagay dito...
Nakilala ko ang isang gamer/hacker/game master sa isang online game, ang Tantra. Isa siyang Puerto Rican na nakatira sa Chicago. Syempre masaya magkaron ng relationship through net and games lalo na pag nasa malayong lugar. Nung una ok pa pero pag tagal nalaman ko na pwede ka palang ma-torture emotionally kahit through chatting lang. Ang labo no? Pero totoo. Kung bibigyan siya ng title, pwede ang cyber emotional sadist. Nyek.
At dahil nahumaling na ko sa iba't ibang online games, para-paraan pa rin na makapaglaro ako sa icafe na pinapasukan ko kahit pinagbabawalan na kami. Kainis d ba? Kakapurit ang kita mo, di ka paglalaruin?
Iba't ibang klase ng tao din ang nakita ko sa ilang buwan ko dun. May epal, may jologs, may kupal, may di naliligo, may uhugin, may maporma pero yun lang yun, may gwapo pero bobo, may maangas, may lasinggero, at kung ano ano pa. Pero sa internet at games, lumawak ang mga taong kilala ko. Mga hardcore gamers, mga babaeng gamer, mga game master, cosplayer at kung ano ano pa.
Isang araw natanong ko sarili ko kung, habang buhay na ba akong mabubulok sa ganung environment? Nag-flash back sa isip ko yung mga napagdaanan ko nung matino pa ako. Di ako ganun ka-bobo at ka-baba para mag-stay at magsunud-sunuran sa mga taong naglilimit ng kakayahan mo. Naisip ko, di ako bagay sa mundong iyon.
Nagkaron ng job opening sa isang fresh online gaming company. Dahil na rin sa mga contacts ko from the games na nilaro ko, sinabihan akong mag-try. Tinry ko at ginawa ko talaga ang lahat sa interview... Nag-resign na kosa icafe at one month na ang lumipas di parin ako tinatawagan. :(
Isang araw sa pag tambay sa bahay, nag-ring yung phone. Tinanong kung interested pa ba ako. Yehey! Syempre go na ako. Start na daw ako sa monday. ^^
Dun sa company na yon, ako nag-grow. Sa una medyo mahirap mag-sink in kasi sa mga napagdaanan ko, alam kong under dog ako sa mga office mates ko. Pero dun ko na-meet ang taong nagbigay sa kin ng lakas ng loob at nagturo sa kin ng maraming bagay.
Kung iisipin ko, ang dami dami kong maling desisyon sa buhay na nagawa. Ang dami dami kong sinayang na panahon at pera. Ang dami dami ko din pinalampas na opportunities. At kung nagtino ako noon, sana malapit na akong maging isang Arkitekto ngayon...
Pero sa mga maling choices na nagawa ko, sa dulo ng mga di magandang napagdaanan ko, makikilala ko pala ang taong mamahalin ko at magmamahal sa akin...
At kung ibabalik ako sa oras na pwede ko pang baguhin ang kapalaran ko. Sa point na hindi pa ako pasaway at di pa marunong maglaro ng online games, pipiliin ko pa rin yung maling mga desisyon at maling daan dahil yun ang tamang daan para makilala ng boyfriend ko ngayon. Wag na yung magiging Arkitekto ako...
Sa dami dami ng mga maling nagawa ko, sa dulo nito, nahanap ko yung bubuo ng pagkatao ko. Kaya nasabi ko sa kanya, na sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit naging pasaway ako, pinakilala pa rin siya sa akin.
Ang sagot niya sa kin, send a letter to God... :)
I guess, I'll be sending more letters to God and thank him for showing me who's waiting for me at the end of the path that I chose...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home